MANILA, Philippines - Hindi sa ibabaw ng boxing ring kundi sa korte umiskor ng panalo si Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather, Jr.
Inutusan ni Nevada federal judge Larry R. Hicks si Mayweather na bayaran si Pacquiao ng “$113,518,50 milyon dollars na legal fees” dahil sa kabiguan ng American fighter na gumawa ng salaysay ng dalawang beses noong nakaraang taon.
Sinampahan ni Pacquiao ng defamation case si Mayweather noong 2009 dahil sa alegasyon nitong gumagamit ang Filipino world eight-division champion ng performance enhancing drugs (PEDs) sa kanyang mga laban.
Ang panalo ni Pacquiao sa naturang usapin ay mula sa isinumiteng mosyon nina legal counsels David Marroso at Harrison Whitman ng O’Melveny & Myers law firm.
“Mayweather decided that he, not the court, would determine if and when his deposition would take place,” ayon sa mosyon. “Busy living the ‘luxurious lifestyle non-stop,’ ‘pour[ing] champagne for [his] friends,’ and keeping the company of ‘attractive women,’ Mayweather refused to be deposed. He disobeyed properly served deposition notices, filed specious ‘emergency’ motions, openly defied this court’s order directing him to appear, and serially misrepresented his whereabouts to Pacquiao and this court. Exposing Mayweather’s untruths was a massive--and expensive -- undertaking.”
Sa kanyang dapat na pagbibigay ng salaysay noong 2011 sa Las Vegas, Nevada, nakita ang 35-anyos na si Mayweather na nagsusunog ng $100 sa isang Atlanta night club.
Ang nasabing $113,518.50 milyon ni Mayweather ay ibabayad para sa serbisyo nina Marroso at Whitman, habang ang $774.10 ay para sa gastos sa korte.
Si Marroso ay binabayaran ni Pacquiao ng $695 bawat oras, samantalang si Whitman ay $495 bilang kanyang mga legal counsels.