^

PSN Palaro

Lady Stags kukunin na ang titulo

- ATan - The Philippine Star

Laro Ngayon

(Ninoy Aquino Stadium)

4 p.m. Ateneo vs Army

6 p.m. Sandugo vs Cagayan

MANILA, Philippines - Asahan ang mas mainitang labanan sa pagitan ng Sandugo-San Sebastian at Cagayan Valley sa muling salpukan ng dalawa sa Shakey’s V-League Open finals ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Pakay ng Lady Stags na sundan ang five-set win sa Game One pero han­da ang Rising Suns na biguin ang kalaban at itakda ang deciding Game Three sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Dakong alas-6 ng gabi magsisimula ang tagisan at magsisilbing panghimagas ay ang pagkikita uli ng Ateneo at dating kampeon Philippine Army sa ganap na alas-4 ng hapon.

Isang panalo ang kailangan ng first conference champion Lady Eagles para tuluyang maokupahan ang ikatlong puwesto pero ang pride ng dating kampeon ang sasandalan ng Lady Troopers para magkaroon pa sila ng sudden death.

Sina Thai imports Jeng Bualee at Kaensing Utaiwan na nagsanib sa 49 sa 65 attack points sa Game One ang siyang mangu­nguna uli para sa tropa ni coach Roger Gorayeb.

“Hindi dapat ma-excite dahil hindi pa tapos ang laban. Kailangan manati­ling focus,” wika ni Gorayeb.

Pero si Bualee ay na­ngakong gagawin ang lahat para tapusin na ang tagisan.

“I’m hungry for a title. I hope we win again,” wika ni Bualee na mayroong 26 hits lakip ang 24 kills sa Game One.

Hindi naman papayag na ganoon na lamang matatapos ang makinang na laro ng Rising Suns at muling ipamamalas ang magandang teamwork at depensa para maitabla sa 1-1 ang karta.

vuukle comment

ATENEO

BUALEE

CAGAYAN VALLEY

GAME ONE

GAME THREE

JENG BUALEE

KAENSING UTAIWAN

LADY EAGLES

NINOY AQUINO STADIUM

RISING SUNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with