^

PSN Palaro

Lady stags tinalo ang Rising Suns sa game 1

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Sinandalan ng Sandu­go-SSC ang husay ng ka­nilang dalawang Thai imports para kunin ang 25-18, 27-29, 25-14, 13-25, 15-7 panalo laban sa Cagayan Valley sa Game One ng Shakey’s V-League Open Fi­nals kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Tumipak si Jeng Bualee ng 26 hits kasama ang 24 kills, habang si Kaensing Utaiwan ay mayroong 23 hits na nilakipan ng 16 attack points upang tulu­ngan ang Lady Stags na hawakan ang 1-0 kalama­ngan sa kanilang maigsing best-of-three championship series ng Rising Suns sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa ayuda ng Accel at Mi­kasa.

“Gumawa kami ng ne­ces­sary adjustment sa gusto namin sa depensa,” wika ni Sandugo-SSC head coach Roger Gorayeb

Si Utaiwan na mayroon ding apat na blocks at tatlong service aces ay umani ng limang puntos sa ikalima at huling set at sinamantala ang limang unforced errors ng Cagayan upang ma­ngailangan na lamang na manalo pa sa Martes upang maiuwi ang titulo.

Sina Thai import Kunbang Pornpimol at Honey Royse Tubino ay may tig-17 puntos at nagtambal sa 25 attack points para sa Rising Suns ngunit ang ka­nilang naitala ay kulang pa para sa kabuuang 40 kills nina Bualee at Utaiwan.

Samantala, nanaig naman ang Ateneo sa dating kampeong Philippine Army, 25-21, 19-25, 22-25, 25-18, 15-13, sa unang laro upang hawakan ang 1-0 bentahe sa labanan sa third place.

Si Allysa Valdez ay may­­roong 21 kills tungo sa 22 puntos at siyang sinan­da­lan nang bumangon ang Lady Eagles sa 1-2 iskor.

Pero ang naging bida sa huli ay si Marge Tejada na inangkin ang huling da­lawang puntos sa fifth set upang maagaw ng Ateneo ang sana’y panalo ng Army Troopers.

vuukle comment

ARMY TROOPERS

ATENEO

CAGAYAN VALLEY

GAME ONE

HONEY ROYSE TUBINO

JENG BUALEE

KAENSING UTAIWAN

KUNBANG PORNPIMOL

RISING SUNS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with