^

PSN Palaro

Gilas balik sa porma, giniba ang Lebanon

- The Philippine Star

TOKYO--Isang dominanteng laro ang ipinakita ni 6-foot-11 naturalized Marcus Douthit laban sa mga Lebanese.

Kumolekta ang 31-an­yos na si Douthit ng 25 points at 21 rebounds para tulungan ang Smart Gilas Pilipinas 2.0 sa 78-68 paggiba sa reigning champion Lebanon sa preliminary round ng 2012 FIBA-Asia Cup kagabi sa Ota Gymnasium sa Tokyo, Japan.

May 1-1 karta nga­yon ang Gilas nagmula sa pag­­hahari sa nakaraang 34th Jones Cup sa Taiwan noong Agosto, sa torneo.

“We needed to bounce back from a tough loss and we felt that we had something to avenge against this team,” ani Gilas coach Chot Reyes.

“I felt that somebody has to step up, and I took the job,” wika naman ni Douthit sa kanyang mahusay na laro laban sa kan-­ yang dating Providence Coll­ege teammate.

Bago ito, nagmula ang Nationals sa 68-71 pagyukod sa mas batang China team noong Biyernes kung saan sila lumamang ng walo sa huling anim na minuto sa fourth quarter.

Buhat sa 41-38 bentahe ng Lebanon sa halftime, umiskor ang Gilas 2.0 ng 21 points sa kabuuan third quarter kumpara sa 12 ng una para kunin ang 59-53 lead papasok sa final canto.

Humakot si Douthit ng basket at freethrows sa fourth quarter para iangat ang Gilas 2.0 sa 70-61 sa 3:29 hanggang makalapit ang Lebanon sa 68-72 sa huling 1:09 nito.

Ang mga basket ni­na Gary David at Ja­red Dillinger at dalawang freethrows ni LA Tenorio ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Nationals.  

SMART GILAS-PILIPINAS 78 – Douthit 25, David 11, Tenorio 11, Norwood 10, Dellinger 10, De Ocampo 8, Fonacier 3,.

LEBANON 68 – El Khatib 24, Thompson 17, Akl 10, Abdelmour 8, El Khatib C. 4, Sarkis 3, Stephan 2, Tabet 0.

Quarterscores: 19-20, 38-41, 59-53, 78-68.

ASIA CUP

CHOT REYES

DE OCAMPO

DOUTHIT

EL KHATIB

EL KHATIB C

GARY DAVID

JONES CUP

MARCUS DOUTHIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with