^

PSN Palaro

Bedans, Baste asam ang playoff

- ATan - The Philippine Star

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12 nn EAC vs SBC (Jrs.)

2 pm SSC vs Letran (Jrs.)

4 pm EAC vs SBC (Srs.)

6 pm SSC vs Letran (Srs.)

MANILA, Philippines - Playoff para sa Final Four ang nakataya para sa nangungunang San Beda at pumapangalawang San Sebastian sa pagbangga sa mga palaban ding Emilio Aguinaldo College at Letran sa 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Unang tagisan ang Lions kontra Generals sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng bakbakan ng Stags at Knights dakong alas-6 at pakay ng San Beda at San Sebastian na hagipin ang ika-12 panalo na magtitiyak ng playoff para sa puwesto sa semifinals.

Mainitan ang magaganap na labanan dahil ang mga katunggali ay totodo rin ng laro upang manatiling buhay ang paghahabol sa puwesto sa semis.

Ang Generals ay mayroong 5-8 baraha para malagay sa ikaanim na puwesto ngunit kaya pa nilang makaiwas sa maagang bakasyon kung maipapanalo ang huling limang laro.

Sentro ng bakbakan ay ang pagkikita ng mga imports na sina Noube Happi at Ola Adeogun.

Humahataw si Happi bitbit ang 17 puntos, 13.5 rebounds, 1.8 assists, at 1 steal sa 35.1 minutong paglalaro laban sa 9.9 puntos at 7.6 rebounds ni Adeogun.

Ngunit ang Lions ay humuhugot ng suporta sa ibang manlalaro bagay na dapat na gawin din ng Generals para makabawi mula sa 65-81 pagkadurog sa unang tagisan.

vuukle comment

ANG GENERALS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

LARO NGAYON

LETRAN

NOUBE HAPPI

OLA ADEOGUN

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with