Altas nakaganti sa Chiefs

MANILA, Philippines - Nagpaulan ng mga three-pointers ang Perpetual Help sa second half para talunin ang Arellano University, 89-58, at patuloy na pumangatlo sa 88th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagsalpak si Jett Vidal ng apat sa 10 triples ng Altas sa second half upang tumapos na may game-high 24 points.

Muntik namang ma­kuha ni Nigerian Nose Omorogbe ang isang triple-double sa likod ng kanyang 18 points, 9 assists at 8 boards para sa Perpetual, habang 18 markers rin ang iniambag ni George Allen.

Ang sophomore na si Earl Thompson ay nag-ambag ng 14 points, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals para sa Las Piñas-based cagers.

Matapos malimita sa dalawang tres sa first half kung saan angat sila sa 37-25, walong tres ang isinalpak ng Perpetual, sa second half, kasama rito ang apat ni Vidal, para biguin ang Arellano.

Natalo ang Altas sa Chiefs, 54-63, sa kanilang unang pagkikita sa first round noong Agosto 6.

Perpetual Help 89- Vidal 24, Omorogbe 18, Allen 18 Thompson 14, Babayemi 3, Arboleda 0, Elopre 0, Paulino 0, Jolangcob 0, Cenita 0.

Arellano U 58- Pinto 11, Zulueta 11, Forrester 10, Acidre 9, Bangga 7, Hernandez 4, Salcedo 2, Caperal 2, Cadavis 2, Espiras 0.

Quarterscores: 17-15; 37-25; 64-41; 89-58.

Show comments