Pacquiao-Marquez 4 sa Las Vegas gagawin - Arum
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagpapanalisa niya ng ikaapat na laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang sinabi ni Arum matapos ang huling news conference sa Wynn Las Vegas para sa world middleweight championship fight nina Sergio Martinez at Julio Cesar Chavez, Jr. sa Linggo.
Ayon sa 80-anyos na promoter, kailangan pa niyang makuha ang desisyon ni Pacquiao sa pamamagitan ng Canadian adviser nitong si Michael Koncz.
“We’re having a meeting about Manny’s next fight and to get everything finalized,” wika ni Arum sa kanyang pakikipagpulong kay Koncz. “My goal is to finalize the Marquez fight, but I have to meet with (Koncz).”
Sa kanilang ikatlong paghaharap ni Marquez, isang kontrobersyal na majority decision win ang itinakas ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao noong Hunyo 9 sa Las Vegas.
Ayon sa Mexican world four-division titilist na si Marquez, hindi na siya lalaban sa Las Vegas na inakusahan niyang pumanig kay Pacquiao.
Subalit hindi na magbabago ang desisyon ni Arum para sa Pacquiao-Marquez IV.
“It’s at the MGM,” ani Arum. “The eighth is for sure. Vegas is for sure.”
Kumpara kay Timothy Bradley, Jr., mas gustong labanang muli ni Pacquiao si Marquez.
“On three occasions, we had a strategy to win and now I have to find something new because we need to win by knockout this time,” sabi ng five-time Trainer of the Year awardee na si Roach kung mangyayari ang Pacquiao-Marquez IV.
Ayon kay Roach, ibubuhos ni Pacquiao ang kanyang buong panahon sa training camp sa Los Angeles, California at hindi ang unang bahagi sa Baguio City na palagian nilang ginagawa.
- Latest
- Trending