^

PSN Palaro

Gilas, China magkakasubukan ngayon

- Joey Villar, Nelson Beltran - The Philippine Star

TOKYO--Sisimulan ng Smart Gilas Pilipinas 2.0 ang kanilang kampanya sa 4th FIBA Asia Cup ngayon laban sa isang Chinese squad na gustong maka­bawi sa malamya nilang pagpapakita sa nakaraang 2012 Olympic Games.

Binago ng China ang kanilang national team ma­tapos masibak sa London Games, at ang bagong Chinese squad ay sabik nang magpakita sa torneo.

 “We’ve heard they’re playing their Team B or their new team. But in my experience, they’re always very competitive even with their Team B,” sabi ni Gilas coach Chot Reyes.

“It is what it is. It’s a good preparation for us,” dagdag pa ni Reyes, haharapin ang mga Chinese sa kanilang ikalawang international tourney matapos ang 34th Jones Cup.

Magtatagpo ang mga Filipino at Chinese nga­yong alas-4:30 ng hapon sa Ota City Gymnasium.

Lalabanan naman ng Le­banon ang Macau sa isa pang laro sa Group A sa alas-11:30 ng tanghali, habang sa Group B magtatapat ang Iran at India sa alas-2 ng hapon at ang host team kontra sa Qatar sa alas-7 ng gabi.

Sinandigan ng China sina NBA players Yi Jianlian at Wang Zhizhi sa 75-60 paggupo sa Nationals sa kanilang huling pagkikita sa preliminary round ng 2011 FIBA Asian Cham­pionship sa Wuhan, China.

Ang hindi paglalaro nina Marcio Lassiter at Chris Lutz bunga ng eligibility is­sue ang nakaapekto sa laro ng Gilas.

Pinagharian ng mga Chi­nese ang Wuhan meet at dinala ang parehong champion team sa London Games kung saan naman sila pinayukod ng Russia, Brazil, Spain, Australia at Great Britain.

Sa pagbabagong-bihis ng China, ipaparada nila sina youth stars Wang Zhelin at Guo Ailun.

ASIA CUP

ASIAN CHAM

CHOT REYES

CHRIS LUTZ

GREAT BRITAIN

GROUP A

GROUP B

GUO AILUN

LONDON GAMES

TEAM B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with