Global Port at Air21 nagkagulo sa laro

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon, muling nabahiran ng ka­gu­­luhan ang tune-up game para sa darating na 38th season ng PBA.

Kahapon sa Moro Lorenzo Gym sa Ateneo campus sa Quezon City, hinabol nina Rabeh Al-Hussaini at Jondan Salvador ng Global Port, ang bumili sa prangkisa ng Powderade, palabas ng court si Air21 rookie Joseph Taha.

Ito ay matapos itulak ng 6-foot-8 na si Taha, produkto ng Mapua Cardinals sa NCAA, ang beteranong si Romel Adducul na dumagan sa kanya nang mapahiga matapos itulak ng isang Batang Pier player.

Kaagad na sinugod nina Al-Hussaini at Salvador si Taha palabas ng court.

Natapos naman ang laro kung saan nanalo ang Ex­press, 82-80.

Nauna nang nasangkot sa kaguluhan si Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra kay 6’8 Qatar national team center Mohammed Yousef sa Ronac gym San Juan no­ong Lunes, habang nag-walkout naman si coach Tim Cone at ang San Mig Coffe sa kanilang laro ng Alaska sa Reyes Gym sa Mandaluyong City.

Show comments