Global Port at Air21 nagkagulo sa laro
MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon, muling nabahiran ng kaguluhan ang tune-up game para sa darating na 38th season ng PBA.
Kahapon sa Moro Lorenzo Gym sa Ateneo campus sa Quezon City, hinabol nina Rabeh Al-Hussaini at Jondan Salvador ng Global Port, ang bumili sa prangkisa ng Powderade, palabas ng court si Air21 rookie Joseph Taha.
Ito ay matapos itulak ng 6-foot-8 na si Taha, produkto ng Mapua Cardinals sa NCAA, ang beteranong si Romel Adducul na dumagan sa kanya nang mapahiga matapos itulak ng isang Batang Pier player.
Kaagad na sinugod nina Al-Hussaini at Salvador si Taha palabas ng court.
Natapos naman ang laro kung saan nanalo ang Express, 82-80.
Nauna nang nasangkot sa kaguluhan si Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra kay 6’8 Qatar national team center Mohammed Yousef sa Ronac gym San Juan noong Lunes, habang nag-walkout naman si coach Tim Cone at ang San Mig Coffe sa kanilang laro ng Alaska sa Reyes Gym sa Mandaluyong City.
- Latest
- Trending