^

PSN Palaro

Caguioa pinahalagahan ang team effort

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos makamit ang dalawang Best Player of the Conference trophy at ang kanyang unang Most Valuable Player award sa nakaraang 37th season ng PBA, tinanggap naman ni Mark Caguioa ang PBA Press Corps’ Comeback Player of the Year plum ka­makalawa ng gabi sa Ka­mayan EDSA.

Ayon sa 2001 PBA Roo­kie of the Year awar­dee, mas mahalaga ang pag­tutulungan ng bawat isa sa isang koponan para marating ang inaasam na tagumpay.

“In the 12 years I’ve been in the PBA, here’s what I realized: that it doesn’t really matter how talented your team is,” wika ni Caguioa. “Our team needs to work together and achieve chemistry for us to be able to compete well.

Halos kinalimutan na siya nang magkaroon ng eye injury mula sa foul ni two-time PBA MVP James Yap sa semifinal round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup kung saan natalo ang Barangay Ginebra sa B-Meg, ngayon ay San Mig Coffee.

Sa kabila nito, kinilala pa rin ang produkto ng Glendale Community College bilang Best Player of the Conference.

Sa kanyang pagbabalik sa PBA Governors Cup ay nakasuot na ang 6-foot-1 na si Caguioa ng isang protective eye glasses.

Bagamat hanggang sa semifinals lamang nakapasok ang Gin Kings, pinaha­lagahan pa rin ang nagawa ni Caguioa sa kanyang koponan kaya siya hinirang bilang Best Player of the Conference.

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CAGUIOA

COMEBACK PLAYER OF THE YEAR

GIN KINGS

GLENDALE COMMUNITY COLLEGE

GOVERNORS CUP

JAMES YAP

MARK CAGUIOA

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with