^

PSN Palaro

Aguilar susubok sa NBA D-League

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Kung hindi niya nakikita ang sariling sisikat sa Philippine Basketball Association (PBA), umaasa si Japeth Aguilar na makikilala siya sa National Basketball Association (NBA).

Kasalukuyang nagta-try-out si Aguilar, ang 2009 No. 1 PBA Draft pick ng Burger King, sa NBA Deve­lopment League (D-League) para sa Bakersfield Jam sa Los Angeles, California.

“It was going to be now or never,” sabi ni Aguilar sa ulat ng ABS-CBN North America News Bureau. “If it’s not for me, then at least I tried. I don’t want to have any regrets, so I just want to try.”

Ang Jam ay isang minor league na nasa ilalim ng mga NBA teams na Atlanta Hawks, Los Angeles Clippers, Phoenix Suns at Toronto Raptors.

Higit sa 80 players ang dumalo sa nasabing open try-out na ibababa sa 20 kung saan isa sa mga napili ang 6-foot-8 na si Aguilar, anak ni dating PBA player Peter Aguilar.

Sa kanilang scrimmage kung saan natalo ang kanyang grupo, nagtala si Aguilar, tapos na ang kontrata sa Talk ‘N Text sa PBA, ng 10 points, 4 rebounds at 5 shotblocks.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-tryout si Aguilar sa NBA D-League matapos noong 2009 kung saan hindi siya napili sa D-League draft.

AGUILAR

ANG JAM

ATLANTA HAWKS

BAKERSFIELD JAM

BURGER KING

D-LEAGUE

JAPETH AGUILAR

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with