^

PSN Palaro

Abueva inilapit ang Stags sa semis

- The Philippine Star

Laro sa Huwebes

(The Arena, San Juan City)

4 pm AU vs UPHDS (Srs.)

6 pm Lyceum vs JRU (Srs.)

MANILA, Philippines – Pinasiklab uli ni Calvin Abueva ang laro ng San Se­bastian upang pabagsakin ang Mapua, 77-62, at mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa 88th NCAA men’s basketball ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

May 21 puntos, 20 rebounds at 10 assists si Abueva para sa ikalawang sunod na triple-double at ikaapat sa season at siya ang nagpaningas sa pagbangon ng Stags sa ikatlong yugto upang pawiin ang mahinang panimula.

Naghatid ang 6’2 po­wer-forward ng 13 puntos sa nasabing yugto para pangunahan ang 32-18 scoring sa yugto at umabante ang Stags sa 57-50.

“Nagtulungan lamang kami lalo na sa second half. Nabawasan kami ng isang malaki kaya sinabi ko na kaming mga big men ang dapat talagang magtrabaho rito,” wika ni Abueva na naghatid pa ng 3 blocks at 2 steals bukod sa pagkakaroon lamang ng 2 errors sa 36 minutong paglalaro.

Si Ian Sangalang ay na­nguna sa Stags sa kanyang 28 puntos at 10 rebounds para ibigay sa Stags ang 11-3 kartada.

Si Josan Nimes ay may 17 puntos pero dalawa lamang ang kanyang ginawa sa second half upang masayang ang mainit na panimula ng Cardinals na hinawakan ang 18-10 at 32-25 kalamangan sa unang dalawang quarters.

Ang jumper ni Nimes ang naglagay pa sa Car­dinals sa 50-47 pero naghatid ng pitong puntos si Abueva sa 10-0 run sa pagtatapos ng ikatlong yugto upang angkinin ng Baste ang pitong puntos na kalamangan.

Nalaglag ang Cardinals sa 5-9 baraha. (ATan)

San Sebastian 77- Sangalang 28, Abueva 21, Miranda 9, Pascual 7, Juico 6, Antipuesto 3, Dela Cruz 2, Rebullos 1, Gusi 0, Vitug 0.

Mapua 62- Nimes 17, Parala 14, G. Banal 12, Cantos 6, Brana 4, Ighalo 3, J. Banal 3, Eriobu 3, Saitanan 0, Stevens 0

Quarterscores: 10-18; 25-32; 57-50; 77-72

ABUEVA

CALVIN ABUEVA

DELA CRUZ

MAPUA

NIMES

SAN JUAN CITY

SAN SE

SAN SEBASTIAN

SI IAN SANGALANG

SI JOSAN NIMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with