^

PSN Palaro

Matapos mabigo ang Ateneo at Navy huling puwesto sa semis hindi pa rin selyado

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Parehong dumanas ng kabiguan ang Philippine Navy at Ateneo sa ka­nilang mga nakatunggali upang manatiling bukas ang ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinals sa Shakey’s V-League Open na nagdaos kahapon ng la­ro sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Michelle Carolino ay may 18 kills tungo sa 24 puntos, habang naroroon ang suporta nina Jacqueline Alarca at Rachelle Ann Daquis at ang nagdedepensang Philippine Army ay bumangon mula sa pag­ka­ta­lo sa first set para sa 23-25, 25-18, 25-23, 26-24, panalo laban sa Lady Eagles.

May 14 hits si Alarca at 13 naman ang hatid ni Daquis para sa Lady Troo­pers upang hindi maramdaman ang pagkawala ni Jovelyn Gonzaga at kunin ang ikapitong panalo matapos ang siyam na laro.

Nagbalik si Fille Caing-let at nagtala ng 21 hits, habang sina Alyssa Valdez at Dzi Gervacio ay may 15 at 13 pero hindi nila natapatan ang husay ng Army sa pag-angkin sa mahalagang puntos upang malaglag sa 3-6 karta.

Naunang pinataob ng FEU ang Philippine Navy sa apat na sets, 25-17, 19-25, 25-17, 25-23, upang ma­katikim din ng panalo sa torneong inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa suporta ng Accel at Mikasa.

Inako ni Angeline Ta-ba­­quero ang huling tatlong puntos ng Lady Tamaraws sa ikaapat na set para wakasan ang walong sunod na pagkatalo.

May 21 hits si Tabaquero para sa nanalong koponan.

Si Patcharee ay may 13 kills tungo sa 16 hits sa ikalawang paglalaro lamang sa FEU. (ATAN)

ALYSSA VALDEZ

ANGELINE TA

DZI GERVACIO

FILLE CAING

JACQUELINE ALARCA

LADY EAGLES

LADY TAMARAWS

LADY TROO

PHILIPPINE NAVY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with