Pinay umaasang mananalo sa WBFF Body Building sa Oklahoma
MANILA, Philippines - Umaasa si Luzviminda ‘Luz’ McClinton, mas kilala bilang Mama Luz ng Pinoy Big Brother, na makapagdadala siya ng karangalan sa bayan sa paglahok sa World Body Figure and Fitness (WBFF) Body Building Championship sa Nobyembre 10 sa Oklahoma, USA.
Sasabak muna si McClinton sa Phil-Asian Pacific International Body Building Competition sa Cebu City sa Setyembre 21.
Si McClinton ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi ng Pro Fame Figure World Championship sa Estados Unidos noong 2010 at ang kaisa-isang may titulo sa figure bodybuilding.
Kinatawan na rin ng “Mom of “Steel” ang bansa sa nakaraang apat na taon sa mga international tournaments kung saan siya nag-uwi ng panalo.
Siya ay hinirang bilang Fame International 2010 Champion, Iron Pinoy Figure Champion 2010, Overall National Cebu Champion 2010, Fame Muscle Model Silver 2010, Ms. Boracay 2010, Ms. Physique Philippines 2009, Ms. Universe Figure 2009 at Ms. Fitness Philippines 2006.
Kakatawanin niya ang bansa sa Mr. and Ms. Universe NAC Figure Body Building Competition sa Disyembre 1 sa Berlin, Germany. (RMPangilinan)
- Latest
- Trending