^

PSN Palaro

Phl team, Vietnam tabla

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tumabla ang Philippine men’s team sa Vietnam, 2-2, para palakasin ang tsan­sang mahigitan ang kanilang pinakamagandang kampanya sa World Chess Olympiad sa 10th round sa Istanbul, Turkey.

Matapos igupo ng biga­ting China, .5-3.5, sa ninth round, determinadong ma­nalo sina GMs Wesley So, Oliver Barbosa, Eugene Torre at Mark Paragua la­ban sa mga Vietna­mese, may ranggong No. 35 kum­para sa pagiging No. 27 ng mga Pinoy.

Ngunit nauwi lamang sa draw ang kanilang mga laro. Sa kabila nito, nanatili pa rin ang mga Pinoy sa Top 10 kasama ang Viet­nam, ninth seed Netherlands, Argentina, Uzbekis­tan, Romania at Slovenia para sa magkakatulad nilang 14 match points.

Nakihati sa puntos si So kay GM Le Quang Liem sa kanilang 39 moves sa Slav and Czech Defenses ng Queen’s Gambit Declined game, habang nakipag-draw si Barbosa kay GM Nguyen Ngoc Truong Son sa 30 moves ng Soultanbeief Variation sa kanilang Slav duel.

Nauwi rin sa draw ang laro nina Paragua at GM Ngu­yen Doc Hoa sa 47 moves ng Przepiorka Variation ng Modern Defense kagaya ng 60-anyos na si Torre kay GM Nguyen Van Huy sa 54 moves ng Knights Variation ng Indian game.

Sa1988 edisyon sa Thessaloniki, Greece, tumapos ang mga Pinoy bilang pang pito at nakatakdang labanan ang 25th-seeded Romanians, tinalo ang 10th seeded French, 2.5-1.5, sa 11 at final round.

Ginulat naman ng No. 6 China ang fifth seed USA, 2.5-1.5, para makasalo sa unahan ang top seed Russia, bumangon sa kanilang kabiguan sa ninth round defeat kontra sa mga Americans, mula sa kanilang pananaig laban sa Argentina.

Kasama sa itaas ng China at Russia ang No. 3 Armenia, giniba ang Netherlands, 3-1, para sa magkakapareho nilang 17 points.

Samantala, nakipag-draw rin ang mga Pinay sa Malaysia, 2-2, upang ma­kasama sa 39th place.

Haharapin ng mga Fili­pina chess players ang Bosnia and Herzegovina sa huling round.

BOSNIA AND HERZEGOVINA

DOC HOA

EUGENE TORRE

GAMBIT DECLINED

KNIGHTS VARIATION

LE QUANG LIEM

MARK PARAGUA

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with