Calamba Football Festival sisipa ngayon
MANILA, Philippines - Kabuuang 109 ang makikita sa aksyon ngayon sa third level ng Calamba Football Festival’s JMC Cup sa Rizal Plaza sa Calamba City, Laguna.
Sinabi ni Calamba City Mayor Joaquin Chipeco Jr. na ang event ay may basbas ng Philippine Football Federation at pinamamahalaan ng Laguna Football Association.
Ang torneo ay nagsisilbing National Football Invitationals para sa mga football players sa under-9. under-13 at under-17 years old.
Sina PFF secretary-general Atty. Roland Tulay at Department of Interior and Local Governments Region IV-A Director Josie Castilla ang magpapasinaya sa event kasama sina Congressman Timmy Chipeco at dating Senator at Laguna Gov. Joey Lina.
Ayon kay Congressman Chipeco ng ikalawang distrito ng Laguna, ang pagdaraos ng torneo ay base na rin sa malakas na suportang nakamit ng Philippine Azkals. Kaya sila nagbuo ng football team na tatawaging Calamba Puppies.
Krusyal naman ang suporta ng pribadong sektor sa nasabing long-term grassroots development program, ayon kay Lina, namumuno sa Calamba Football Festival, Inc., na itinataguyod ng Lina Group of Companies, Air21, San Miguel Corporation, Cherifer at Stotsenberg Hotel katuwang ang Union Galvasteel, Yakult at Greenfields Development Corporation.
“We hope to discover young football players who may one day play for the Philippine national team,” wika ni Chipeco.
Ang mga mananalo sa event ay makakalaro sa JMC CUP Level 4 o ang International Football Invitationals na nakatakda sa Disyembre 8-9, 2012 sa Calamba, suportado rin ng DepEd Calamba sa ilalim nina school division superintendent Myrna Pamplona at Dr. Vivian Frias.
- Latest
- Trending