MANILA, Philippines – Hindi na maglalaro si Asi Taulava sa Meralco Bolts at maging sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sa kanyang Twitter account, pinasalamatan ng 6-foot-9 Fil-Tongan center sina Meralco top officials Manny V. Pangilinan at Ricky Vargas.
“I just want 2 thank Boss MVP, Boss Vargas n management 4 everything dey have done 4 me n my family. Will always cherish my time w u guys,” ani Taulava.
Nagpasalamat din ang tinaguriang ‘The Rock’ kay Meralco head coach Ryan Gregorio.
“I would also like 2 thank (Meralco head) Coach Ryan (Gregorio) 4 da 2 years I spent with him. Learn a lot from him n will never 4get it coach. Appreciate it,” wika ni Taulava, ang 2003 PBA Most Valuable Player.
Wala pang opisyal na pahayag si Taulava kung saang koponan siya maglalaro, ngunit maganda ang iniaalok sa kanya ng San Miguel Beermen sa Asean Basketball League pati na ang tropa ng Indonesia at Malaysia.
Isang three-year contract ang sinasabing inilalatag ng Beermen para sa 39-anyos na si Taulava, ang direct hire ng Mobiline noong 1999, kumpara sa two-year deal ng Bolts.
“f am thanks 4 all da support during my time w/ u guys n I appreciate it. Gud luck 2 u guys dis cuming season n all da best.”