^

PSN Palaro

Pinay chessers yumuko sa Us team: Torre, Barbosa nagtulong para itakas ang panalo sa England

- The Philippine Star

MANILA, Philippines – Gamit ang itim na piyesa, tinalo ni Filipino Grandmaster Eugene Torre si Nigel Short sa isang 41 moves ng Nimzo-Indian Defense para akayin ang Philippine men’s team sa 3-1 panalo laban sa England sa eight round ng Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.

Umiskor rin ng panalo si Oliver Barbosa matapos biguin si Gawain Jones sa 102 moves ng King’s Indian Defense, habang nakipag-draw naman si Wesley So kay Michael Adams sa 51 moves ng Caro-Kann. 

Nakihati sa puntos si Mark Paragua kay Nicholas Pert matapos ang 37 moves ng Slav Defense.

Umakyat ang 35th-ranked Philippine men’s team sa pang 6th hanggang 10th place at nakatakdang labanan ang sixth seed China, nakatabla ang No. 7 Azerbaijan.

Nauna nang tinalo ni Torre si Ferenc Berkes para makatabla ang mga Pinoy sa fourth seed Hungary sa seventh round.

Pinayukod ng top seed Russia ang No. 2 Ukraine, 2.5-1.5, para manatili sa ibabaw kasunod ang China at Armenia.

Sa women’s division, binigo ng US ang mga Fi-lipina chessers, 3.5-.5.

Yumukod si Catherine Perena kay Anna Zatons-kih, habang natalo si Rulp Ylem Jose kay Irina Krush at hindi umubra si Jedara Docena kay Tataev Abrahamyan.

Nakipag-draw naman si Janelle Mae Frayna kay Rusudan Goletiani para sa mga Pinay na nahulog sa 20th hanggang 29th spot.

ANNA ZATONS

CATHERINE PERENA

CHESS OLYMPIAD

FERENC BERKES

FILIPINO GRANDMASTER EUGENE TORRE

GAWAIN JONES

INDIAN DEFENSE

IRINA KRUSH

JANELLE MAE FRAYNA

JEDARA DOCENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with