Azarenka pinagbakasyon si Stosur

 NEW YORK--Tinalo ni Victoria Azarenka ang nag­­dedepensang si Sam Stosur, 6-1 4-6 7-6, upang uma­bante sa semifinal round ng U.S. Open sa ka­bila ng malakas na pag-ulan sa maghapon.

Anim na singles mat-ches lamang ang nakum­pleto bunga ng pagragasa ng ulan at ilalaro ang apat ngayong araw.

Ang World No. 1 na si Azarenka ang sasagupa sinuman sa mananalo kina Maria Sharapova at Marion Bartoli sa semifinals.

Sa men’s division, bi­nigo ni David Ferrer ng Spain si Richard Gasquet ng France, 7-5 7-6 6-4, sa quarterfinal round.

Halos walong oras ang kinailangan para makumpleto ang naturang laro bunga ng ulan, habang ang apat na fourth round matches ay itinigil sa first set.

Angat ang defending men’s champion na si Novak Djokovic laban kay St­a­nislas Wawrinka, 2-0, samantalang lamang si Andy Roddick kay Juan Martin Del Potro.

Show comments