^

PSN Palaro

Lady Sailors buhay pa ang paghahabol sa Semis; Rising Suns tumabla sa Troopers sa 2nd

- AT - The Philippine Star

Laro Linggo

(Ninoy Aquino Stadium)

2 pm Navy vs FEU

4 pm Ateneo vs Army

6 pm Sandugo vs Cagayan

MANILA, Philippines - Pinaigting pa ng Caga­yan Valley ang paghaha­bol sa unang dalawang pu­westo sa Shakey’s V-League Open elims nang talunin ang nagdedepensang Philippine Army kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Walang saysay ang pagkawala ng 10 puntos kalamangan at pagkatalo sa first set nang maglaro ng todo ang Rising Suns sa sumunod na tatlong sets tungo sa 23-25, 25-22, 25-18, 25-17, panalo.

Dahil dito, ang Rising Suns at Lady Troopers ay magkasalo na sa ikala­wang puwesto sa 6-2 ba­raha sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Si Joy Cases ay mayroong 17 hits at karamihan sa kanyang puntos ay ginawa sa ikaapat na sets para manalo ang bagitong koponan sa larong umabot ng isang oras at 55 minuto.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng Cagayan na humugot din ng 20 at 17 hits kina Thai imports Kunbang Pornpimol at Sutadta Chuewulim.

Ang dalawang banyagang manlalaro ay nagsa­nib sa 30 kills upang bigyan ang Rising Suns ng 53-42 bentahe sa spike points.

Ginulat naman ng Phi-lippine Navy ang Ateneo nang iuwi ang 25-21, 19-25, 27-25, 25-23, panalo sa ikalawang laro.

Ito ang ikalawang panalo ng Navy matapos ang 8-laro at nananatiling buhay pa ang paghahabol sa semis.

ATENEO

KUNBANG PORNPIMOL

LADY TROOPERS

LARO LINGGO

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE ARMY

RISING SUNS

SHAKEY

SI JOY CASES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with