^

PSN Palaro

Souquet-Hohmann duo nagparamdam agad

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga seeded teams na nasalang agad ang kanilang magandang estado nang kunin ang panalo sa pagbubukas kahapon ng 2012 PartyPoker World Cup of Pool sa Robinson’s Manila.

Bagamat nanghihina dahil nabiktima ng food poisoning noong Lunes, sapat pa rin ang lakas na nakita kay Ralf Souquet upang patuloy na kuminang ang kanilang tambalan ni Thorsten Hohmann tungo sa madaling 8-1 panalo laban kina Andrea Klasovic at Zoltan Svilar ng Serbia.

Ang pumangalawa no­ong nakarang taon na sina Nitiwat Kanjanasri at Kobkit Palajin ng Thailand at 14th seed sa torneo ay nanalo laban kina Patrick Ooi at Ibrahim Bin Amir ng Malaysia sa 8-4 iskor.

Dumaan naman sa bu­tas ng karayom ang 9th seeds na sina Fil-Canadian Alex Pagulayan at John Morra at ang pares na sina Shane Van Boening at Rodney Morris ng US bago naigupo ang hamon ng Sweden at India ayon sa pagkakasunod sa mahigpitang 8-7 iskor.

Kinailangang magpa­katatag nina Pagulayan at Morra matapos bumangon sina Marcus Chamat at Andreas Gerwen mula sa 4-7 iskor para umabante sa second round.

Kumapit naman ang su­werte kina Van Boening at Morris nang ang manipis na tira sa 3-ball ni Raj Hundal sa 15th rack ang pumasok upang manalo pa.

ANDREA KLASOVIC

ANDREAS GERWEN

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

IBRAHIM BIN AMIR

JOHN MORRA

KOBKIT PALAJIN

MARCUS CHAMAT

NITIWAT KANJANASRI

PATRICK OOI

RAJ HUNDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with