^

PSN Palaro

Barbosa iniligtas ang Pinas, Lady chessers bigo naman

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang malaking panalo ang kinuha ni International Master Oliver Barbosa la­ban kay Grandmaster Kiril Georgiev para ibigay sa Philippine men’s team ang 2.5-1.5 panalo kontra sa 10th seed Bulgaria at makisalo sa fourth place sa World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey noong Lunes ng gabi.

May dalawang rooks, isang knight at dalawang pawns laban sa queen, bishop at tatlong pawns ni Georgiev, nagtiyaga si Barbosa para sa kanyang 59-move win sa kanilang Slav duel.

Ang panalo ang sumel­yo sa naturang tagumpay ng 35th ranked Filipinos kontra sa mga Bulgarians, ang average rating na 2678 ay mas mataas sa 2546 ng koponan.

Tumabla ang mga Pinoy sa fourth hanggang eighth places kasama ang second seed Ukraine, fourth pick Hungary, No. 6 China at No. 18 Spain sa magkakapareho nilang 10 points.

Natalo naman ang Phl Lady chessers sa 14th seeded French, 1-3, matapos mabigo sina Janelle Mae Frayna, Jedara Docena at Jan Jodilyn Fronda sa lower boards.

Tanging si Woman Inter­national Master Catherine Perena ang nakasingit ng panalo matapos ang kanyang 54-move victory kay IM Almira Schripchenko.

ALMIRA SCHRIPCHENKO

GRANDMASTER KIRIL GEORGIEV

INTERNATIONAL MASTER OLIVER BARBOSA

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

JEDARA DOCENA

MASTER CATHERINE PERENA

PHL LADY

WOMAN INTER

WORLD CHESS OLYMPIAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with