^

PSN Palaro

Smart Gilas 2.0, David pararangalan ng PBAPC

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pararangalan ng Philippine Basketball Association Press Corps ang Smart Gilas-Pilipinas 2.0 na naghari sa nakaraang 34th William Jones Cup sa Taipei.

Sa pamumuno nina tournament MVP LA Tenorio at head coach Chot Re­yes, nagtala ang Gilas 2.0 ng 7-1 record, kasama ang 76-75 pagtakas sa United States, para angkinin ang Jones Cup sa ikaapat na pagkakataon.

Makakasama ng mga team members sa entab­lado ang mga major awar­dees ng PBA Press Corps para sa 2011-2012 PBA Season, kasama si Gary David na tatanggap ng unang ‘Scoring Champ’ award.

Ang Smart/PLDT ang magiging main presentor ng event na nakatakda sa Setyembre 10 sa Kamayan-EDSA sa alas-7 ng gabi.

Inimbitahan rin sa okas­yon si Antipolo Representative Robbie Puno, ang sponsor ng House Bill na humirang kay Marcus Douthit bilang isang naturalized Filipino, bilang guest of ho­nor.

Ang iba pang sumusuporta sa event ay ang Air21, Petron Blaze, B-Meg, Barangay Ginebra, AKTV, Cinnabon, Meralco, Talk ‘N Text, Alaska, Rain or Shine, Barako Bull, Global Port, ang management firms nina Danny Espiritu, Charlie Dy at Matthew Manotoc-Marvin Espiritu at ang PBA.

Ang Coach of the Year at Executive of the Year awards ay ibibigay kasama ng Mr. Quality Minutes, the All-Rookie Team, the Defensive Player of the Year at Comeback Player of the Year citations.

Iniimbitahan ni PBAPC president Musong R. Castillo ng Philippine Daily Inquirer ang lahat ng mga miyembro at mga nakaraang presidente ng PBAPC at mga PBA personalities na dumalo sa awards night.

ALL-ROOKIE TEAM

ANG COACH OF THE YEAR

ANG SMART

ANTIPOLO REPRESENTATIVE ROBBIE PUNO

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CHARLIE DY

CHOT RE

COMEBACK PLAYER OF THE YEAR

DANNY ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with