^

PSN Palaro

8th place finish sa 37th season, hihigitan ng Barako Bull

- The Philippine Star

MANILA, Philippines – Mula sa kanilang pagta­tapos bilang pang walo sa kabuuan ng nakaraang 37th season, hangad ng Barako Bull na mapaganda ang kanilang kampanya sa darating na 38th season.

Ito ay sa kabila na rin ng pagdadala ng Energy kay two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller sa Global Port Batang Pier sa isang five-team trade kamakailan.

“Our initial goal in the coming Philippine Cup is to make the semis,” sabi ni Barako Bull head coach Junel Baculi.

Sa pagpapakawala kay Miller, nakuha ng Energy si 6-foot-6 Rico Villanueva mula sa Ginebra Gin Kings.

Sa tatlong torneo sa nakaraang 37th season ng PBA, nagposte ang Energy ng kabuuang 18-42 win-loss record.

Inamin ni Baculi na ma­hihirapan silang makahanap ng isang kagaya ni Miller, naglista ng mga averages na 14.9 points, 4.5 rebounds, 4.3 assists at 1.0 steals sa nakaraang season.

Bukod kay Villanueva, kinuha rin ng Barako Bull si Roger Yap sa free agency market.

Ang mga rookies naman ng Energy ay sina 6’5 Dave Marcelo ng San Beda, Lester Alvarez ng Adamson at Eman Monfort ng Ateneo.

Sila ay makakasama nina Mick Pennisi, Danny Seigle, Doug Kramer at Celino Cruz.

BARAKO BULL

CELINO CRUZ

DANNY SEIGLE

DAVE MARCELO

DOUG KRAMER

EMAN MONFORT

GINEBRA GIN KINGS

GLOBAL PORT BATANG PIER

JUNEL BACULI

LESTER ALVAREZ

MICK PENNISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with