^

PSN Palaro

Matapos Igupo ang Lady Sailors, Rising Suns may tiket na sa semis

- ATan - The Philippine Star

Laro Bukas

(Ninoy Aquino Stadium)

2 pm Army vs Cagayan

4 pm Navy vs Ateneo

6 pm FEU vs Sandugo-SSC

MANILA, Philippines – Naglaro ng nasa por­ma ang Cagayan Valley-Perpetual Help upang padapain sa tatlong sunod na sets ang Philippine Navy, 25-17, 25-17, 25-19, sa pagpapatulooy ng Shakey’s V-League Open kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Joy Cases ay mayro­ong 10 kills , apat na aces at dalawang blocks tungo sa 16 hits upang pangunahan ang panalo ng Rising Suns na kinuha ang ikalimang tagumpay sa pitong laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 14 puntos si Sandra delos Santos habang 11 pa ang ibinigay ni Honey Tubino para sa nanalong koponan na nasilo na ang ikatlong puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng Accel at Mikasa.

Bumagsak ang Navy Ladies sa ikaanim na kabiguan laban sa isang panalo at lalo silang nalalagay sa pe­ligro kung paghahabol sa semis ang pag-uusapan.

Tatlong laro pa ang haharapin ng Navy at kaila­ngan nilang maipanalo ito at manalangin na ang Ate­neo ay matalo sa dalawa sa huling tatlong laro.

Pinatatag ng Lady Eagles ang paghawak sa mahalagang ikaapat na puwesto nang bumangon mula sa 0-2 pagkakalubog tungo sa 22-25, 15-25, 25-21, 26-24, 18-16, panalo sa Far Eastern University sa ikalawang laro.

May 25 hits si Alyssa Valdez pero ipinagdiwang ng Ateneo ang pagbaba­lik nina Fille Cainglet at Dzi Gervacio upang manatiling matibay ang paghahabol ng first conference champion sa Final Four.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

CAGAYAN VALLEY-PERPETUAL HELP

DZI GERVACIO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

HONEY TUBINO

LADY EAGLES

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with