^

PSN Palaro

Pinoy chessers isinalba ni Dimakiling vs Moldova

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sumandal ang Philippine team sa panalo ni Oliver Dimakiling sa Board Four para gulatin ang Moldova, 2.5-1.5, at manatili sa itaas kasama ang 32 pang bansa sa 40th World Chess Olympiad sa Istanbul Expo Center sa Turkey.

Tinalo ni Dimakiling si International Master Iulian Baltag sa 39 moves ng Queen’s Pawn Game na siyang naging susi sa tagumpay ng No. 35th-ranked na mga Filipino kontra sa 23rd-seed Moldovans.

Nakipag-draw sa ka­nilang mga karibal sina Grandmasters Wesley So, Oliver Barbosa at Mark Paragua.

Matapos ang 74 move sa Sicilian encounter ay nagpasiya ang No. 2652 na si So na makipag-draw kay No. 2734 Super GM Viktor Bologan sa top board.

Nakihati naman sa puntos si Barbosa kay GM Dmitry Svetushkin sa Board Two sa 53 moves ng Caro-Kann, habang na­kipag-draw si Paragua kay IM Sergei Vedmediuc sa 73 moves ng Modern Defense.

Nagmula ang mga Pinoy sa 4-0 paggupo sa Libya sa opening round.

Nabigo naman ang mga Pinay sa women’s division nang makatikim ng 1.5-2.5 kabiguan sa 16th seed na Slovenia.

Tanging si Olympiad rookie at No. 1991 Janelle Mae Frayna ang nakakuha ng panalo mula sa isang 29-move win kontra kay No. 2240 Women Grandmaster Jana Krivec.

BOARD FOUR

BOARD TWO

DMITRY SVETUSHKIN

GRANDMASTERS WESLEY SO

INTERNATIONAL MASTER IULIAN BALTAG

ISTANBUL EXPO CENTER

JANELLE MAE FRAYNA

MARK PARAGUA

MODERN DEFENSE

OLIVER BARBOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with