^

PSN Palaro

Lady Stags asam ang No. 6 vs Lady Eagles

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patunayang kaya nila ang Ateneo ang nasa isipan ng Sandugo-San Sebastian sa muling pagtutuos sa pagsisimula ng ikalawang ikutan sa Shakey’s V-League Open ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ikatlo at huling laro dakong alas-6 ng gabi itinakda ang labanan at hanap ng Lady Stags na maisulong ang malinis na karta sa 6-0 para tumibay ang paghahabol sa puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Unang magtutuos ay ang Cagayan at FEU sa sa alas-2 ng hapon at Navy at Army dakong alas-4 na pareho ring magha­hangad ang Rising Suns at nagdedepensang Army na makuha ang panalo para tumibay ang kapit sa inookupahang puwesto sa torneong may suporta rin ng Accel at Mikasa.

May 4-1 baraha ang Army para hawakan ang ikalawang puwesto habang ang Cagayan ang nasa ikatlo sa 3-2 baraha.

Ang mga larong ito ay mapapanood ng live gamit ang streaming sa www.v-league.ph

Iniuwi ng Sandugo ang 27-25, 25-19, 25-20, panalo laban sa Lady Eagles sa unang tagisan, at tiyak na muling babandera sina Thai imports Jeng Bualee at Kaensing Utaiwan ang Stags.

Ngunit tiyak na gagawa ng adjustments ang Ateneo para makuha ang panalo at mapanatili ang sarili sa ikaapat na puwesto.  

vuukle comment

ATENEO

JENG BUALEE

KAENSING UTAIWAN

LADY EAGLES

LADY STAGS

NINOY AQUINO STADIUM

RISING SUNS

SANDUGO-SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with