Pinoy chessers mainit ang simula, Libyans binokya sa Olympiad
MANILA, Philippines - Umiskor ng magkatulad na 4-0 panalo ang Philippine team sa men’s at women’s division ng 40th World Chess Olympiad sa Wow Convention Center sa Istanbul, Turkey.
Binigo ni super Grandmaster Wesley Go si Abobker Elarbi para buksan ang dominasyon ng mga Filipino kontra sa Libyan sa layuning mapaganda ang pinakamasama nilang 50th place finish sa Russia noong 2010.
Ang tatlo pang panalo ay nagmula kina Oliver Barbosa, Mark Paragua at Oliver Dimakiling laban kina Ahmed Al-Zayat, Hussein Asabri at Hassan Asabri sa boards two, three at four, ayon sa pagkakasunod.
Ang 35th-seeded na Phl team ay lalaban sa 23rd-ranked Moldova na binubuo nina Viktor Bologan, Dmitry Svetushkin, Sergey Vedmeduic at Iulian Baltag.
Nagtala ang Moldova ng 3.5-.5 panalo kontra sa Pakistan sa first round.
Sina So, Barbosa, Paragua at Dimakiling ang muling lalaro para sa bansa, habang ipinapahinga si GM Eugene Torre, maglalaro sa kanyang rekord na pang 21 Olympiad stint na sumira sa 20 ni Hungarian GM Lajos Portisch.
Ang 4-0 tagumpay naman ng mga Pinay ay galing kina Catherine Perena, Rulp Ylem Jose, Janelle Mae Frayna at Jedara Docena kontra kina Zenubia Wasif, Nida Mishrash Siddiqui, Ghazala Khuaja at Fatima Khuaja ng Pakistan.
- Latest
- Trending