^

PSN Palaro

2-dikit na UAAP PoW ni Mariano

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines -   Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay hinirang si Aljon Mariano bilang UAAP Press Corps Player of the Week matapos pangunahan ang UST sa makalaglag-pusong 58-57 overtime panalo sa host National University noong Linggo sa 75th UAAP men’s basketball.

Tumapos si Mariano bitbit ang 22 puntos at 18 rito ay ginawa niya sa second half na kung saan bumangon ang koponan mula sa 14-31 pagkakalubog sa halftime.

Ang huling play ay ipinagkatiwala ni coach Alfredo Ja­rencio sa 6’3 na si Mariano at hindi naman niya ipinahiya ang mga kakampi nang naipasok ang one-on-one nila ni Kyle Neypes para sa isang puntos na kalamangan may 4.4 segundo sa orasan.

“Nagtitiwala si coach at ibinigay niya sa akin ang hu­ling play kaya talagang kailangan kong mag-deliver,” wika ni Mariano na nagbabalik sa laro matapos mapahinga ng isang taon dahil sa ankle injury.

Ang panalo ay ikapito sa siyam na laro ng Tigers para manatiling nakasalo sa ikalawang puwesto kasama ang FEU at kalahating agwat lamang sa nagdedepensang Ateneo (7-1).

“Ang pinakamahalagang naituro ko sa team ay huwag bibigay hanggang may oras pa. Kailangan ang puso at lumaban hanggang dulo,” wika ni Jarencio.

vuukle comment

ALFREDO JA

ALJON MARIANO

ATENEO

JARENCIO

KAILANGAN

KYLE NEYPES

LINGGO

MARIANO

NATIONAL UNIVERSITY

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with