Energen Pilipinas nabigo sa Chinese-Taipei; laglag sa 6th place sa FIBA-Asia Championship

Manila, Philippines -  Nabigo ang Energen Pi­lipinas sa inasintang ika­limang puwesto nang ma­talo sila sa Chinese-Taipei, 85-89, sa pagtatapos ka­hapon ng 22nd FIBA Asia U-18 Championship sa Bu­yang-Ukhaa gym sa Ulan Bator, Mongolia.

May 17 puntos si Lin Kuan-chun para sa Taiwa­nese team at ang kanyang pi­nakamahalagang buslo ay ang dalawang birada sa 15-foot line sa foul ni Jerie Pingoy na nagbigay ng 88-85 kalamangan sa 12 segundo sa orasan.

Sablay ang tangkang pa­nablang tres ni Pingoy at ang bola ay nakuha ni Fan Shih-en para kunin ng kanilang koponan ang pa­nalo.

Si Fan ay may 21 puntos at 11 rebounds, habang si­na Wu Chia-chun at Lu Kuan-hsuan ay mayroong 16 at 10 puntos para sa Chinese-Taipei na naipag­hi­ganti rin ang tinamong 85-89 kabiguan sa kamay ng mga Filipinos sa second round.

May 22 puntos si J-Jay Ale­jandro habang tig-15 ang ibinigay nina Pingoy at Mario Bonleon para sa Na­tionals na nakontento sa ika­anim na puwesto.

Dikitan ang labanan at magkatabla ang dalawa sa 42-all nang pakawalan ang 15-2 palitan para lumayo sa 57-44.

Pinakamalaking kala­ma­ngan ay nasa 18 puntos, 74-56, sa freethrow ni Wu, 4:11 sa orasan bago na­gising ang Energen at ang tatlong freethrows ni Pingoy ay naglapit sa Nationals sa 87-85 may 12 se­gundo sa orasan.

Nabigo ang Energen ni coach Olsen Racela na mapantayan ang 5th place finish ng tropa ni Eric Al­tamirano sa torneo sa Sa­na’A, Yemen.

Chinese-Taipei 89- Fan 21, Lin 17, Wu 16, Lu 10, Huang 8, Chin 6, Li 6, Lee 3, Chiu 2.

Energen Pilipinas 85- Alejandro 22, Bonleon 15, Pingoy 15, Nambatac 7, Babilonia 6, Suarez 6, Cani 5, Rivero 4, Olayon 3, Lao 2, Porter 0.

Quarterscores: 22-20; 35-34; 60-48; 89-85.

Show comments