Ga Yalin World 10-Ball queen

MANILA, Philippines - Matapos ang apat na taong paghihintay, napasakamay din ni Ga Young Kim ng Korea ang titulo sa Yalin Women’s World 10-Ball Championship nang talunin si Siming Chen ng China, 10-5, sa finals noong Biyernes sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Umalagwa agad si Kim sa 3-0 upang ipakita ang masidhing hangarin na mapanalunan ang prestihiyosong torneo sa bilyar sa kababaihan at maibulsa ang $21,000 unang gantimpala.

Ininda ni Chen ang ilang errors sa cue ball para makontento na lamang sa ikalawang puwesto at $10,000 premyo.

Nakapasok sina Kim at Chen sa finals nang talunin ang mga kababayan sa semifinals.

Hiniritan ni Chen ng 9-6 panalo si Xiao Fang Fu habang si Kim ay nanaig kay Yu Ram Cha, 9-5.

Show comments