^

PSN Palaro

SMART Phl Taekwondo League dadayo sa SM Masinag ngayon

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang mata­gum­pay na panimula sa SM Valenzuela at SM Ma­rikina noong Agosto 18 at 19, dadalhin ang 2012 SMART Philippine Taek­wondo League sa SM Masinag ngayon tampok ang mga elite teams mula sa iba’t ibang institusion.

Kabilang sa mga ko­po­nan na lalahok ay ang FEU, San Sebastian College-Recoletos, CSB, DLSU, SBC, UST, UE, UP, Letran, Ateneo De Manila University, Lyceum, EAC, NU, Arellano, LSGH, Don Bosco-Makati, La Salle-Zobel, DPS SSA, LSQC at ESS.

Sinabi nina Tournament Commissioner Monsour Del Rosario at Tournament Director na ang event na idinadaos sa mga SM Supermalls ay patuloy na lumalaganap at tinatangkilik ng mga tao.

“This (tourmament) is definitely going to sharpen the skills of veteran and upcoming taekwondo athletes,” sabi nina Del Rosario at Fernandez.

Ang PTL ay itinatagu­yod ng MVP Sports Foundation, SMART Communications Inc at PLDT.

Nakatakda ring gawin ang event sa Setyembre 23 sa SM Consolacion at sa Setyembre 30 sa SM Davao.

Gagamitin ang mga officating procedures kagaya ng PSS (Protective Scoring System), ESS (Electronic Scoring System) at electronic armors at socks kasama ang IVR (Instant Video Replay) para mabasura ang pagkakamali.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

COMMUNICATIONS INC

DEL ROSARIO

DON BOSCO-MAKATI

ELECTRONIC SCORING SYSTEM

INSTANT VIDEO REPLAY

LA SALLE-ZOBEL

PHILIPPINE TAEK

PROTECTIVE SCORING SYSTEM

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with