MANILA, Philippines - Binuhay ng Letran College ang kanilang tsansa sa Final Four nang gibain ang Mapua, 72-60, sa second round ng 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sumandal ang Knights sa nagbabalik na si 6-foot-6 Raymond Almazan para ilista ang kanilang 5-5 record.
“His effect on the team is actually more psychological because his teammates played relax knowing there’s another player who can give them 10 rebounds and block shots,” ani Letran coach Louie Alas kay Almazan.
Hindi naglaro si Almazan, humakot ng 4 points, 6 rebounds, 1 asisst at 1 block, sa pitong laro ng Knights.
Kumolekta naman si 6’5 Jam Cortes ng 19 points, 12 boards, 4 blocks, 2 steals at 1 assist para pangunahan ang Knights.
Kaagad na kinuha ng Knights ang 8-0 kalamangan patungo sa 20-9 pagbaon sa Cardinals (4-6) sa first period.
Ikinasa ng Letran ang malaking 40-22 bentahe sa halftime at hindi na nilingon pa ang Mapua.
Nakahugot ang Cardinals ng 17 points kay Mike Parala kasunod ang 14 ni Gab Banal, anak ni dating PBA star player at coach Joel Banal.
Letran 72- Cortes 19, Racal 12, Ke. Alas 11, Cruz 8, Belorio 6, Lituania 6, Kr. Alas 4, Almazan 4, Gabawan 2.
Mapua 60- Parala 17, G. Banal 14, J. Banal 11, Ighalo 0, Nimes 7, Eriobu 2, Saitanan 0, Chien 0, Cantos 0, Stevens 0, Brana 0, Estrella 0
Quarterscores: 20-9; 40-22; 55-42; 72-60.