^

PSN Palaro

3 Pinoy gagawa ng pangalan sa Legend Fighting Championship

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hahakbang sina Ruel Catalan at Rolando Gabriel Dy sa hangaring makagawa ng pangalan sa full contact fighting sa pag­sagupa sa mga dayuhang katunggali sa gaganaping Legend Fighting Cham­pionship 10 ngayon sa Asia World Expo sa Hong Kong.

Si Catalan na nakababatang kapatid ni four-time World Wushu champion Rene Catalan, ay babanggain si Chinese Sanda champion Ji Xian habang si Dy ay susukatin si Ev Ting ng New Zealand.

Sasalang din sa aksyon ang nagbabalik na muay thai fighter na si Leonard Delarmino na kakalabanin si Choi Yeong Gwang ng South Korea.

Si Rene ang siyang striking coach ni Ruel upang maging madali ang paglipat niya mula sa pagiging isang sanshou fighter sa wushu.

“Naniniwala ako na kapalaran ko ang mapunta rito at magiging Legend champion din ako,” wika ni Catalan.

 Ang Legend FC ay laro sa Mixed Martial Arts na may basbas ng South China MMA Association at ginagamit na batas na United Rules of Mixed Martial Arts.

ANG LEGEND

ASIA WORLD EXPO

CHINESE SANDA

CHOI YEONG GWANG

EV TING

HONG KONG

JI XIAN

LEGEND FIGHTING CHAM

LEONARD DELARMINO

MIXED MARTIAL ARTS

NEW ZEALAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with