^

PSN Palaro

Stags aasinta ng panalo vs Pirates

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makikita kung ano ang epekto ng pagkawala ni head coach Topex Ro­bin­son sa San Sebastian sa pagbabalik-aksyon ng koponan sa 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katabla ng Stags ang Jose Rizal University at Perpetual Help sa ikala­wang puwesto sa 7-3 baraha habang ang San Beda ang nagsosolo sa unang puwesto sa 8-2 baraha.

Katapat ng Stags ang Lyceum sa ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi na sa ordinaryong sitwasyon ay dapat na magiging isang madaling asignatura para sa koponan.

May dalawang panalo lamang sa 10 laro ang Pirates at isa ang Baste sa tumalo sa koponan, 79-87, noong Hulyo 23.

Samantala, mag-uunahan naman ang Letran at Mapua sa pagsungkit sa ikalimang panalo matapos ang 10 laro sa kanilang tagisan sa alas-4 ng hapon.

Mahalaga ang makuku­hang panalo upang ma­na­tiling nakadikit ang ma­nanalong koponan sa mahalagang ikaapat na puwesto.  

HULYO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KATABLA

KATAPAT

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

TOPEX RO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with