^

PSN Palaro

Chiefs pinalakas pa ni Acidre

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi pakakawalan ni Rocky Acidre ang pagkakataon na ibinibigay sa kanya ng Arellano.

Ito ang kanyang ipinakita nang maghatid siya ng 21 puntos, kasama ang apat na tres sa second half upang tulungan ang Chiefs na sorpresahin ang Jose Rizal University, 85-82, sa 88th NCAA men’s basketball.

“Hindi ko naman balak na umiskor ng ganito pero dumating ang oportunidad sa akin at naipapasok ko naman ang mga pinupukol ko,” wika ng 20-anyos na si Acidre na siyang hinirang bilang NCAA Player of the Week ng mga mamamahayag na kumokober sa pinakamatandang collegiate sa bansa.

May anim na assists din si Acidre sa nasabing laban at dalawa rito ay ibinigay niya kay James Forrester tungo sa magkasunod na lay-ups.

Ang panalo ay nag-akyat sa Chiefs sa 4-6 karta puwesto sa Final Four, hangga’t patuloy na mag-iinit si Acidre ay lalaban sila hanggang sa huli. (AT)

vuukle comment

ACIDRE

ARELLANO

CHIEFS

FINAL FOUR

JAMES FORRESTER

JOSE RIZAL UNIVERSITY

PLAYER OF THE WEEK

ROCKY ACIDRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with