^

PSN Palaro

Centeno, Amit tuloy sa pananalasa

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nanatiling walang talo sina Cheska Centeno at Rubilen Amit sa group elimi­nation ng 4th Annual Yalin Women’s World 10-ball Championship kahapon sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Si Amit na dinomina ang torneo apat na taon na ang nakalipas ay umani ng mga panalo laban kina BR Jung ng Korea, 6-2, at K. Yukawa ng Japan, 6-1, habang si Centeno na naunang nanalo kay Noriko Onoda, 6-4, ay nanaig pa kay M. Grujicic ng Vene­zuela, 6-0.

Patuloy naman ang pa­ngangapa ni Iris Ranola na lumasap ng ikalawang kabiguan matapos ang tatlong laro sa kamay ni L. Fulberg ng Sweden, 4-6.

Bago ito ay natalo mu­na ang double gold meda­lists ng SEA Games kay Kimuka Maki ng Japan, 4-6, pero bumangon laban kay Charlene Chai, 6-4.

Sa iba pang resulta, nakausad na sa knockout stage ang 2010 champion Jasmin Ouschan ng Austria nang hawakan ang 3-0 karta matapos pataubin sina N. Praveen ng India, 6-2, K. Sone ng Japan, 6-3, at Ga Young Kim ng Korea, 6-4.

Ang hiniranging kampeon matapos ang apat na araw na torneo ay magbubulsa ng $21,000 premyo.

ANNUAL YALIN WOMEN

CHARLENE CHAI

CHESKA CENTENO

GA YOUNG KIM

IRIS RANOLA

JASMIN OUSCHAN

KIMUKA MAKI

NORIKO ONODA

RUBILEN AMIT

SI AMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with