^

PSN Palaro

Brook Lopez mangunguna sa pamamahagi ng relief goods

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Brooklyn Nets (da­ting New Jersey Nets) center Brook Lopez ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha dala ng malakas na pag-ulan dulot ng Ha­bagat ngayong umaga.

Ang mga naapektuhan na residente ng Taguig City ang siyang tutulungan at ito ay bahagi ng NBA Cares.

Makakasama ni Lopez si Carlo Singson, Country Manager sa Pilipinas ng NBA Asia at ito ay magsisimula sa ganap na alas-10 ng umaga.

“Following unabated monsoon rains that engulfed critical areas in Manila and the rest of Luzon provinces in Northern Philippines, he NBA together with World Vision will conduct relief operations in the hardest-hit areas of Taguig City on August 20,” wika ng kalatas ng NBA Cares.

Bukod sa paghahatid ng mga relief goods, magbibigay din ng kanilang do­nas­yon ang NBA na ipantutulong sa iba pang biktima.

Makikisalamuha rin ang 24-anyos na 7-footer na si Lopez sa mga nabiktima lalo na ang mga bata upang kahit paano ay mapasaya sila at mabigyan uli ng pag-asa sa buhay.

BROOK LOPEZ

BUKOD

CARLO SINGSON

COUNTRY MANAGER

LOPEZ

LUZON

NEW JERSEY NETS

NORTHERN PHILIPPINES

TAGUIG CITY

WORLD VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with