^

PSN Palaro

EAC niyanig ang Baste

- RC - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umiskor si Igee King ng 17 points para pangunahan ang 77-67 paggitla ng Emilio Aguinaldo College laban sa San Sebastian College at buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four ng 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang pangatlong panalo ng Generals (3-7) at ipinalasap sa Stags ang pa­ngatlong kabiguan nito (7-3).

Ito rin ang unang tagum­pay ng EAC kontra sa San Sebastian sapul nang su­mali sa liga noong 2009.

Ginawa ito ng Generals nang wala si coach Gerald Esplana at sina Remy Morada at Francis Munsayac, nagsilbi ng isang one-game suspension sa kanilang inasal sa 76-61 pananaig ng EAC laban sa St. Benilde noong Agosto 4.

“Natalo kami sa kanila (San Sebastian) ng one point (93-94) last July 30. Pero ipinakita namin na kaya naming makipagsabayan sa kanila,” ani assistant coach Andy De Guzman.

Tumipa si Russell Yaya ng 18 points, habang humakot si Cameroonian import Noube Happi ng 17 points at 10 boards para sa Generals.

Pinangunahan naman ni Ian Sangalang ang Stags mula sa kanyang game-high 24 markers.

EAC 77 - Yaya 18, Happi 17, King 17, Tayongtong 11, Monteclaro 5, Jamon 3, Chiong 2, Paguia 3, Mallari 0.

SSC 67 - Sa­nga­lang 24, Dela Cruz 14, Pascual 10, Abueva 9, Maiquez 4, Antipuesto 2, Miranda 2, Juico 2. 

Quarterscores: 26-11; 43-38; 58-57; 77-67.

ANDY DE GUZMAN

DELA CRUZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

FRANCIS MUNSAYAC

GERALD ESPLANA

IAN SANGALANG

IGEE KING

NOUBE HAPPI

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with