^

PSN Palaro

2nd Gov. Jun Ebdane 4x4 Challenge lalarga na

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Halos tatlong dosenang riders ang lalahok sa 2nd Gov. Jun Ebdane 4x4 Offroad Challenge na nakatakda ngayon at bukas sa San Narciso, Zambales.

Hindi naapektuhan ang all-weather sand-and-mud tracks sa Barangay Sindol matapos ang walang tigil na pag-ulan at pagbaha. Itatampok din sa event ang demonstrasyon sa paggamit ng 4x4 offroad vehicles para sa rescue at relief operations sa panahon ng mga kalamidad.

Magbabalik si Edison “Ton-ton” Dungca ng Angeles City para idepensa ang kanyang koronang napanalunan niya noong 2011 sa Barangay Carael, Botolan.

Hahamon kay Dungca ang mga offroad regulars at mga baguhan mula sa Pampanga Off-Roaders Club, San Jose Del Monte 4-Wheelers, Bicol Off-Roaders Club, Land Cruiser Club of the Philippines, Santiago (Isabela) Extreme, Cauayan (Bulacan) Off-Road Club, Binangonan, Rizal Off-Roaders, Suzuki Club, Ilocos Sur 4x4 Offroaders at Nueva Ecija Offroaders.

Sina Zambales Gov. Hermogenes Ebdane at anak niyang si Rep. Omar Ebdane ang magpapasimula sa event sa ganap na alas-8 ng umaga.

vuukle comment

ANGELES CITY

BARANGAY CARAEL

BARANGAY SINDOL

BICOL OFF-ROADERS CLUB

DUNGCA

HERMOGENES EBDANE

ILOCOS SUR

JUN EBDANE

LAND CRUISER CLUB OF THE PHILIPPINES

NUEVA ECIJA OFFROADERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with