Boxing Commission itutulak ni Pacquiao
MANILA, Philippines - Bilang isang Congressman, inasahan nang gagawa ng aksyon si Sarangani Rep. Manny Pacquiao para mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga kapwa professional boxers.
Sa pamamagitan ng kanyang panukalang pagkakaroon ng Philippine Boxing Commission (PBC), maaaring matulungan ni Pacquiao ang mga katulad nina dating Filipino world champions na nalugmok sa kahirapan ay sina Luisito Espinosa at Rolando Navaratte at mga nagkaroon ng malubhang injury na sina “Pretty” Boy Lucas at Z “The Dream” Gorres.
Ang House Bill 6409 ng Filipino world eight-division champion ang magbibigay at mag-iimplementa sa mga tatanggaping welfare incentives at benefits para sa mga professional boxers.
“Our country has produced world class boxing legends like the great Gabriel ‘Flash’ Elorde, and recently the likes of Nonito Donaire Jr., Donnie Nietes, Brian Villoria and the Velasco brothers,” ani Pacquiao sa isang statement.
“Some boxers go into retirement deprived of any kind of financial assistance or access to medical care. Most often, we hear many of our boxing heroes, who had brought honor and prestige to our country, retire without pension benefits,” dagdag pa ng Sarangani Congressman.
Ang panukalang batas ni Pacquiao ang magkakaloob ng komprehensibong health care benefits, alternative livelihood program, isang sistema ng life insurance, reliable death benefits, at iba pang benepisyo para sa lahat ng boksingero na nakipaglaban at nanalo sa mga international boxing events.
Isang lifetime retirement pension na P15,000 kada buwan para sa mga professional boxers ang isinusulong rin ni Pacquiao.
- Latest
- Trending