Slot sa Shakey's Invitational nakataya sa Open Champ

MANILA, Philippines - Bibigyan ng puwesto sa Shakey’s Invitational ang hihiranging kampeon sa gagawing Open na magbubukas na sa Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang Invitational ay planong isagawa sa Nobyembre at inaasahang darating uli ang mga banyagang koponan tulad ng nangyari noong nakaraang taon.

Hinirang na unang kam­peon sa Invitational ang Vietsovpetro nang wa­lisin nila ang Philippine Army sa best of three finals.

“We have plans to stage an Invitational sometime in November and the Open champion will represent the Philippines in the event, “ wika ni Moying Martelino na chairman ng nag-oorganisang Sports Vision.

May anim na koponan ang maglalaban sa Open sa pangunguna ng nagdedepensang Philippine Army na tinalo ang San Se­­bastian sa Finals.

Ang iba pang kasali ay ang first conference champion Ateneo, Philippine Navy, Cagaya Province, FEU at Sandugo Sandals.

Hinugot ang mga Thai imports na sina Jeng Gualee at Utaiwan Kaen­sing, ang Sandugo ang ipinalalagay na paboritong koponan sa ligang suportado ng Shakey’s Pizza at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Show comments