Petron huhugutin si Fajardo bilang No. 1 pick
MANILA, Philippines - Sa isinagawang biometrics test kahapon sa Club 650 sa Libis, Quezon City, si Junmar Fajardo ng University of Cebu ang naging pinakamatangkad, pinakamabigat at may pinakamahabang galamay.
Nasukatan si Fajardo bilang 6-foot-10 tumimbang ng bigat na 125 kilos at may wingspan na 85 pulgada.
Sa mga katangiang ito bukod pa sa kanyang pagiging three-time Most Valuable Player sa CESAFI, ang collegiate league sa Cebu kung saan niya nakakaharap si seven-footer Greg Slaughter ng University of the Visayas, ay inaasahan nang hihirangin ang 23-anyos na si Fajardo ng Petron Blaze bilang No. 1 overall pick ng 2012 PBA Rookie Draft sa Linggo.
Kung sakali, si Fajardo ang magiging unang No. 1 pick na Cebuano matapos ni Apet Jao noong 1990.
Si Fajardo ay naglaro para sa San Miguel Beermen ni coach Bobby Parks sa nakaraang season ng Asian Basketball League.
Ang mga koponang huhugot sa first round ay Alaska (No. 2), Petron (No. 3), Meralco (No. 4), Barako Bull (No. 5), Barangay Ginebra No. 6), Rain or Shine (No. 7), Ginebra (No. 8), B-Meg (No. 9) at Global Port, bibili sa prangkisa ng Powerade.
Ang second round ay sisimulan ng Air21 kasunod ang B-Meg (No. 12 at 13), Global Port (No. 14), Barako Bull (No. 15 at 16), Rain or Shine(No. 17), Barako Bull (No. 18), Alaska (No. 19) at Talk ‘N Text (No. 20).
- Latest
- Trending