Ph Memory Team makikipagtagisan sa World Olympic C'ships
MANILA, Philippines - Balak ng Philippine Memory Team na higitan ang naipakita sa Guangzhou, China sa paglahok nila sa 21st World “Olympic” Memory Championship sa Lilian Baylis Technology School sa London.
Ang torneo ay gagawin mula Disyembre 14 hanggang 16 at magpapadala ang bansa ng 14 manlalaro na tatargetin na lampasan ang ikalawang puwestong pagtatapos sa huling edisyon noong 2011.
Suportado ng PCSO at Mandaluyong City sa pangunguna ni Mayor Benhur Abalos, ang mga manlalaro ay sina GM Mark Anthony Castaneda, Roberto Racasa, Johann Randall Abrina, Erwin Balines, Christopher Carandang, Cristine “Eon” Barao, Anne Bernadette Bonita, Jamyla Lambunao, Axelyancy Cowan Tabernilla, Ian Roi Spence Betiong, Mary Sharmaine Deldio-Dianquinan, Ydda Graceille, Mae Habab, Blessie Mae Ayalde at Princess Grace Mendoza.
Malakas ang laban ng koponan dahil sila ay galing sa matagumpay na kampanya sa 5th Thailand International Open Memory Championships sa Kasetsart University, Bangkok, Thailand nang manalo ng 10 gintong medalya.
Ang tatayong head delegation ay si Aurelio “Reli” De Leon at si Almario Marlon Bernardino Jr.
- Latest
- Trending