Chairman Non maraming plano sa PBA
MACAU--Para kay bagong PBA board chairman Robert Non ng Barangay Ginebra, ang kanyang mithiin ay matumbasan o di kaya ay malampasan ang tagumpay na naibigay sa pro league ni dating chairman Mamerto Mondragon ng Rain or Shine.
“The league enjoyed huge success last season and it’s a tough act to follow. The minimum goal is to match it. It’s challenging but exciting,” sabi ni Non sa isang exclusive interview.
“We’re back in the mainstream of public consciousness. We should sustain it. There should be no turning back for the PBA,” dagdag pa ni Non.
May sariling ideya ang 57-anyos na SMC executive na tubong Pagsanjan, Laguna para makaakit ng mga fans. At kumpiyansa siyang makakamit ang target sa pagpapataas sa six percent sa live gate attendance noong nakaraang season.
Ilan sa mga ito ay ang special exhibition games, special events at pagbebenta saPBA games sa airport, airplanes, bus stations at iba pa.
Bilang chairman, gusto niyang makipagtulungan kay PBA Commissioner Chito Salud.
Inaasahang handa si Non, isang commerce graduate mula sa Adamson University sa mga hamon na kanyang makakaharap.
Una siyang nakapasok sa organized basketball noong 1980s sa PABL sa ilalim ni chairman Oscar Villadolid ng SMC.
Nakamit niya ang una niyang official post sa PBA noong 1998 bilang team manager ng San Miguel Beer kasunod ang pagiging sports chief ng San Miguel Corp. at alternate representative ng Ginebra sa PBA board.
- Latest
- Trending