^

PSN Palaro

Caluag huling alas ng Pinas

- The Philippine Star

LONDON--Kung ang resulta ng time trial ay isang indikasyon, mabigat na laban ang haharapin ni BMX rider Danny Caluag sa 30th Olympic Games.

Ngunit hindi inaalala ng Filipino-American, ang pinakahuling atletang luma­laban sa Team Philippines, ang kinahinatnan ng see­ding run.

Ayon sa kanya, magsisi­mula ang tunay na labanan sa quarterfinals sa event na itinatampok sa Olympic Games sa ikalawang sunod na pagkakataon. 

“Seeding runs don’t mean anything. Tomorrow is another day,’’ sabi ni Caluag sa mga Filipino sportswriters bago sumabak sa time trial na puno ng kumpiyansa sa kanyang pagbisikleta sa loob ng Olympic Park.

Ngunit dapat niyang pagbutihin base sa mas mabibilis na oras na isinumite ng kanyang mga kalaban sa 450-meter dash mula sa isang high ramp hanggang sa taas-babang lupa sa seeding run noong Miyerkules.

Sa kabuuang 32 bikers, naglista ang 25-anyos na si Caluag ng oras na 40.900 segundo sa one-lap drive para tumapos bilang pang 30 sa time trial kung saan nagposte ang 27 iba pa ng 39.772 segundo.

Pepedal si Caluag sa heat 3 sa quarterfinals kasama sina Nicholas Long ng US, Joris Daudet ng France, Marc Willers ng New Zealand, David Herman ng US, Manuel de Vecchi ng Italy, Roger Rinderkbecht ng Sweden at Ernesto Pizarro ng Argentina.

Si Raymon van der Biezen ng the Netherlands ang may pinakamabilis na 37.779 segundo sa time trial.

Ang Dutch ay sasalang sa first heat, habang sina World No. 1 Sam Willoughby ng Australia, lumagay sa pang anim sa kanyang oras na 38.496 segundo, at defending champion Maris Stromberg ng Latvia, nagsumite ng 38.697 segundo para sa 10th spot, ay sasabak sa heat 4.

Si Caluag ang ta­nging Pinoy na sinasabing may malaking tsansang ma­kakuha ng medalya matapos masibak si boxer Mark Anthony Barriga.

Ang iba pang Filipino athletes na sina archers Mark Javier at Rachel Cabral, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Lacuna, judoka Tomohiko Hoshina, weightlifter Hidilyn Diaz, shooter Brian Rosario, long jumper Ma­restella Torres at 5000-m run bet Rene Herrera ay wala na sa kontensyon.

Kulelat sana si Caluag, lumalaban sa American circuit, sa time trial kundi lamang nadulas si Latvian Edzus Treimanis.

Sa patakaran, ang 32 riders, hinati sa apat na grupo na may tig-walong riders, ay mag-uunahan sa limang karera na may nakalaang puntos.

Matapos ang tatlong karera sa quarterfinal, ang top two riders sa bawat heat na may pinakamababang total points ang papasok sa semifinals.

Ang mga matitira naman sa bawat heat ay sasabak pa sa dalawang karera at ang top riders sa bawat heat ang kukumpleto sa semifinal round çast.

Sa semifinal, tatlong karera ang sasabakan ng mga riders at ang apat na pinakamahusay ang mag­lalaban sa finals na mayroon lamang single run.               

ANG DUTCH

BRIAN ROSARIO

CALUAG

DANNY CALUAG

DAVID HERMAN

ERNESTO PIZARRO

HIDILYN DIAZ

JASMINE ALKHALDI

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with