Sistema ng AIBA, baguhin --- WBC
MANILA, Philippines - Hiniling ng World Boxing Council (WBC) sa AIBA, ang international boxing federation, na baguhin ang kanilang sistema sa pagbibilang ng suntok na siyang pinagbabasehan ng desisyon para sa mga amateur fights.
“That’s not boxing. It is not possible for a boxing match to be won by 7 to 3 when hundreds blows connect and don’t count for anything,” pahayag ng WBC sa isang press statement.
Isa si light flyweight Mark Anthony Barriga ng Team Philippines sa sinasabing biktima ng naturang sistema sa 30th Olympic Games sa London.
Sa kanyang kabiguan kay Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan sa round of 16, dalawang beses binawasan si Barriga ng puntos ng Canadian referee sa krusyal na third round na nagresulta sa kanyang 16-17 pagkatalo.
Nagprotesta ang WBC ukol sa panalo ni John Joe Nevin ng Ireland kontra kay Mexican Oscar Valdez.
Ayon sa WBC, napatumba ni Valdez si Nevin mula sa isang hook ngunit natalo pa rin, 4-7.
Sinabi ng WBC na dapat nagprotesta ang Mexican Federation kagaya ng ginawa ng United States at tatlo pang bansa na nagpabago sa resulta ng mga laban.
- Latest
- Trending