^

PSN Palaro

Sistema ng AIBA, baguhin --- WBC

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hiniling ng World Boxing Council (WBC) sa AIBA, ang international boxing fe­­deration, na baguhin ang ka­nilang sistema sa pag­bi­bilang ng suntok na siyang pi­nagbabasehan ng desis­yon para sa mga amateur fights.

“That’s not boxing. It is not possible for a boxing match to be won by 7 to 3 when hundreds blows con­­nect and don’t count for any­­thing,” pahayag ng WBC sa isang press statement.

Isa si light flyweight Mark Anthony Barriga ng Team Philippines sa sinasabing biktima ng naturang sistema sa 30th Olympic Games sa London.

Sa kanyang kabiguan kay Birzhan Zhakypov ng Ka­­zakhstan sa round of 16, da­lawang beses binawasan si Barriga ng puntos ng Ca­na­dian referee sa krusyal na third round na nagresulta sa kan­yang 16-17 pagkatalo.

Nagprotesta ang WBC ukol sa panalo ni John Joe Nevin ng Ireland kontra kay Mexican Oscar Valdez.

Ayon sa WBC, napa­tum­ba ni Valdez si Nevin mu­la sa isang hook ngunit na­talo pa rin, 4-7.

Sinabi ng WBC na dapat nag­protesta ang Mexican Federation kagaya ng ginawa ng United States at tatlo pang bansa na nagpabago sa resulta ng mga laban.

AYON

BIRZHAN ZHAKYPOV

JOHN JOE NEVIN

MARK ANTHONY BARRIGA

MEXICAN FEDERATION

MEXICAN OSCAR VALDEZ

OLYMPIC GAMES

SHY

TEAM PHILIPPINES

UNITED STATES

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with