Erase Plantcenta naghahanda sa D-League
MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng kanilang agresibong kampanya para lalo pang palakasin ang koponan para sa nalalapit na 2012 PBA Developmental League, ang Erase Plantcenta/Exfoliant ay kasalukuyang nakikipag-tagisan ng lakas sa MBL First (Open) Conference basketball championship.
Ang team owner na si Louie Gamboa at ang kanyang anak na si Marc ang masigasig na naglahok sa kanilang koponan sa MBL upang lalo pang pag-ibayuhin ang competitive spirit ng kanilang mga players at mapanatili ang kanilang tikas bilang paghahanda sa darating na 2012 PBA D-League,
“Patuloy ang aming team na naghahanap ng paraan para lalo pang palakasin ang team at mapanatili ang competitive edge nito bago sumabak sa iba pang mas malalaking pagsubok,” ani Gamboa.
- Latest
- Trending